Lingayen Beach
Daga’t ko’t iingatan,
aking mamahalin,
at akin pang iibigin.

Mapa at Lokasyon ng Lingayen Beach
LAKBAY SANAYSAY
Ang Lingayen Beach ay matatagpuan sa probinsya ng Lingayen sa Pangasinan na kung saa’y dinadayo at binabalik-balikan ng ibang tao dahil sa presko’t malamig na tubig sa dagat. Ang Lingayen beach ay mayroong mahabang daan na perpektong maglakad lakad; Bay Walk, mga kubo para magpahinga, magandang buhangin, malamig na simoy ng hangin, masasarap na pagkain, at higit sa lahat mga maalalahaning Pangasinense.
Maari rin magpalipas ng gabi sa mga kubo o magdala ng sariling tolda/tent. Ang Lingayen Beach ay libre para sa lahat kaya nama’y pwedeng pwede mamingwit at mag-ihaw. Isa sa ipinagmamalaki ng mga taga roon; mga Pangasinense ay ang “bagoong” na kung saa’y sa Pangsinan nagmula at sumibol, bagay maging sawsawsan sa mga ihaw.
Ang mga tao sa Pangasinan ay napalad at swerte na magkaroon ng magagandang dagat halimbawa’y ang Lingayen Beach na matatagpuan sa lalawigang baybayin ng Lingayen. Malapit ang mga tao sa dagat na sa anumang oras na nais nila na maaari nilang bisitahin at magsaya. Ito rin ay isang perpektong lugar upang mabuhay at magtrabaho dahil sa mapayapang kapaligiran.
Kailangan ba ng mamahaling resort para magsaya? ang Lingayen Beach ay abot-kaya at pampamilyang lugar . Ito ay puno ng nakakaakit na lugar at pagkain, isang tahimik at isang magandang lugar para sa lahat na nais na magkaroon ng bagong masasaya at hindi makakalimutan na alaala kasama ang kaibigan o pamilya.

Paglubog ng Araw
Ang Lingayen Beach ay kilala sa may pinaka magandang sunset o paglubog ng araw. Eto ang ang ipinagmamalaki ng mga Pangasinense.
Bay Walk

Ang Lingayen Beach ay may mahabang Bay Walk kung saan magandang maglakad lakad at kung sakali’y napagod, huwag mag alala dahil may mga kubo sa gilid neto.

Preskong tubig
Ang dagat dito’y may malamig at preskong tubig na kung saa’y magandang magtampisaw at maligo.
Pagkaing Ipinagmamalaki

Ang pagkain sa Lingayen Beach ay isa rin sa ipinagmamalaki ng mga Pangasinense dahil sa malinis na pagkakagawa at hindi basta-basta. Masarap at tiyak na sulit sa bulsa.
Ang mga Pangasinense

Ang mga tao sa Lingayen Beach; Pangasinense ay tinaguriang mabait at maaalalahanin lalo na sa mga dayuhan. Sila ay nag aalok ng pagkain at bumabati sa bawat isa. Tinaguriang kulta ng mga tao dito ang pagbati sa mga dayuhan o sa kapwa nilang Pangasinense.
Ang preskong tubig dagat at hangin, Bay Walk, masasarap na pagkain, magagandang tanawin, kayumangging buhangin, busilak na pusong mga Pangasinense at nakakaakit na sunset ay dito mo lang matatamasa kaya ARAT NA!
Mapagtatanto din dito sa lugar na ito na kung gusto mong hanapin ang iyong sarili o lumayo muna sa mga prolema upang makapag pahinga ang katawan pati na rin ang isipan, ang Lingayen Beach sa Pangasinan ang pinaka mainam na puntahan dahil sa payapa at presko nitong hangin at tanawin. Ito ay hindi lang sa pampamilya, kaibigan o kasintahan bagkus ito ay maaari din para sa sarili.
Maayos ang pagkakabuo, dahil sa mga naturang litrato ako’y na-enganyong tumungo at galugarin ang Lingayen Beach 🙂
LikeLiked by 2 people
Mahusay ang pagkaka-organisa at pagkasunod-sunod ng mga larawan at mga repleksyon. Ito ay nagbibigay ng tama at saktong impormasyon na dapat lamang malaman ng mga mambabasa. 🙂
LikeLiked by 1 person